Ang Pinoy pag nakasalubong mo at inunahan mong batiin, ngingiti at ngingiti ‘yan. Mamya na mag-iisip kung saan lupalop ka ba talaga niya nakilala. “Wer da hell did I meet dat sheet?”. Dugo-dugo gang kaya ‘yun? Madapacking sheet, siya ba ‘yung pumisil ng pwet ko sa pila ng sakayan? Baka siya ‘yung nang-snatch ng cellphone ko, nangingiti kasi nakita na niya ‘yung mga sikret video scandals ko nakupo! Madalas ‘pag nababato ako on my way to opis, nagti-trip akong kumaway o mag- gud morning sa mga nakakasalubong sabay tawag ng ‘Unkyel o Auntie’. Makati is a city of strangers, they’re just there to do business, nothing more. Kaya gustong gusto ko ‘yung weird expression nila pagkatapos mong batiin. Tapos dahan-dahang ngingiti na rin. Bahala silang mag-isip kung san nila ako nakilala dahil di naman talaga nila ako kilala. He he. Kung minsan, nakikipag-it-bulagaan ako sa mga makukulit na bata sa loob ng bus. ‘Yung mga bata ‘pag kinulit mo, tawa na ng tawa, hindi naman ako si Kokey. That just makes my day.
Dami na ring nangyari sa ‘kin dito sa Maynila. Sa araw-araw na kasasakay ng dyip at standing position sa bus, nagkaroon na ako ng masteral studies sa amuyan ng kili-kili. Alam ko na kung gumamit ng Old Spice ‘yung katabi ko, Secret o kaya kalamansi na binudburan ng tawas. Mortal enemy ko lang talaga ‘yung mga amoy putok. Di ko alam kung mabaho sila o talagang maluwang lang ang ilong ko. Anlalaki rin ng bilbord ni Kris Aquino dito, kitang kita ko na ‘yung malalaking pores nya sa mukha. Ansarap tirahin ng dart at gawing dart board.
Sa isip ko dati, pag nakatungtong na ‘ko sa Maynila, hahanapin ko si Pong Pagong. Lumaki ako sa mga kwento ng Batibot. Kaya hanggang ngayon, nagbabatibot pa rin ako. Hindi ko na nasundan ang lab layf ni Pong Pagong. Sabi sa kin ng siraulo kong pinsan, nakapag-asawa si Pong ng isang hot chick sa Amerika. Suspetsa ko, baka nga tatay ng Teenage Mutant Ninja Turtles si Pong Pagong.
Number one lesson dito, hindi mo hawak ang buhay mo. Hawak ng driver. Ito ‘yung tipong, if the driver messes up, he’s messing up your life. Tatlong klase lang ang mga tao dito – Adik, airheads o tulad kong mabait. Adik ang tawag ko sa mga nakakatabi ko sa bus na sarap na sarap mangulangot sabay pahid kung saan saan. Walang manners ang mga putek, at least ako binibilog ko.
You also get amazed of the things you can get used to. Sa araw-araw na buhay, ordinaryo na sa paningin ko ‘yung mga pulubing pakyut, rugby boys na hip hop, at mga MMDA na nagsasabi ng ‘Ser, pangkape lang’. Bakit ba hingi sila ng hingi ng pangkape? Pag minsan hiningan ulit ako ng pangkape, talagang bibigyan ko na mga yan ng Nescafe 3-in-1.
Everything is surreal. Kaya huwag papabulag sa fame en fortune. Tandaan, the only thing real in dis world is love and sex. Ulit, love and sex.