Kelangang pumasok ng maaga sa opis. Tapos na ang mahabang breyk kaya rush hour na naman ‘to na walang katapusan. Maaga pa lang pero punuan na ang mga bus papasok. Buti na lang may naupuan pa rin.ako. Em jas beri lucky today. Kaso sa may bandang Susana Heights , may humabol na sumakay. Nagmamadali si lola. Isa-isang tumingin sa mga pasahero si lola, naghahanap ng mauupuan. Walang gumagalaw. Ngayon ko lang na-realize, yari pala sa bato ang betlogs ng mga taga-Maynila. Wala talagang may gustong tumayo at magbigay ng upuan. Tangena, mukang pangatlong araw ko na ‘tong bibinggo sa pagbibigay ng upuan. Hindi muna ako gumalaw, naghihintay kung sino ang ma-touch move.
Nung Lunes, may sumakay na tatay na nakasaklay kasama ang anak, binigay ko na ‘yung upuan ko dahil nahihirapan akong tignan ‘yung itsura ng tatay na akay-akay ang anak, nakatayo, at may mga nakatusok na mga bakal sa paa na kasinhaba ng antenna. At dahil good boy ako nung araw na ‘yun, hindi ko na rin tinanong kung kaya bang makasagap ng tv reception ‘yung antenna nya sa paa.
Martes, pauwi na ako sakay pa rin ng bus, may mag-asawa namang sumakay. Dahil punuan na, sa sahig sila naupo malapit sa driver. Lasing ‘yung lalake at nagpupumilit bumaba. Kung anu-anong sinasabi. ‘E kung gustong ibangga ‘to ng driver, pati tayo patay’. Wow. Frustrated madam auring ata si manong, nangengealam sa gustong gawin ng driver. At dahil naiistorbo ako sa aking seryosong pangungulangot, nilapitan ko ang mag-asawa at tinanong kung gusto nila ‘yung upuan ko. Hindi ako mabait. Gusto ko lang makakita ng dalawang senior citizen na nagkakandungan sa bus. At nangyari nga ang gusto kong mangyari. Ang erotic pala nila.
Miyerkules. Ngayon. Duduling-duling pa ‘yung mata ko sa magdamagang panonood ng korean porno kagabi at di pa nakakarekober ng husto. [Nadiskubre kong sagrado pala ang bulbol ng mga Koreana at Haponesa kaya hindi nila ito tini-trim. Buti na lang pala at hindi ganun ang pananaw nating mga Pinoy. Kung nagkataon, malamang pinaparada natin ang mga sagradong bulbol sa araw ng kapistahan habang pinupunas-punasan ng puting panyo ng mga deboto.] Punuan pa rin ang bus. At sumakay nga si lola. Nasa bandang looban ako kaya safe, sa isip ko. Padedma epeks na lang akong tumingin sa bintana. Hayzz, ang ganda ng tanawin. At anlambot ng upuan. Dalawang oras akong makakatulog nito at mag-iimagine ng kung anu-ano. Maya-maya, hindi pa nakakalayo nang pumara si lola. Hindi yata kaya mag-standing position kaya bababa na lang daw. Taragis talaga ‘tong mga kasabayan kong city boys. Wala man lang nagbigay ng upuan. Hindi pala bato ang betlogs ng mga taga-Maynila. Yari ito sa adobe, at ang kaliwang betlog naman ay yari sa bakal. Dahil nga hindi ko naman maatim na bumaba si lola, binigay ko kay lola ang aking ‘precious’ na upuan at bubulong-bulong na tumayo. ‘Papa Jesus, utang mo ‘to sa akin ah, sana may gumanti din ng kabutihan sa lola ko kung asan man siya ngayon’.
Dalawang oras akong nakabitin sa estribo. Patulog-tulog habang humahampas ang katawan sa north-east- west-south na direksiyon. Buti na lang hindi umariba ‘yung ‘morning sickness’ ko, ‘yung bigla na lang titigas ang etits lalo na pag malamig ang paligid. Scandalous. Nangyari sa akin ‘yun last week kaya nakaupo lang ako sa bus hanggang lumampas ako sa aking destinasyon. Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking potoytoy at sinabihang, ‘Huminahon ka. Wag kang padalos-dalos sa iyong nararamdaman. Infatuation lang ‘yan!’. Kailangan kasi ng diplomasiya dito. Hindi ito nadadaan sa pagpitik dahil lalong lumalaki. At sa mga katutulad kong nakakaranas ng ganito, malaking tulong ang palagiang pagdadala ng bag para pantakip sa harapan. Oo, ang backpack ay dapat ginagawang frontpack.
Isang tapik sa balikat ang gumising sa kin. ‘Lord ikaw ba yan’, automatic na sagot ko. Si lola pala, pababa na sa bandang Guadalupe. ‘Anak, salamat ha’. May kasamang ngiting nagsasabi ng ‘Yowr my hero talaga’. ‘Okay lang po ‘yun’. Nakakatanggal talaga ng ngalay ang simpleng pasalamat. Dahil malapit na, hindi na rin ako umupo. Tumayo na lang malapit sa driver na nagtatanong. ‘Bos, san ka ba?’. Tinuro ko ‘yung malapit sa tabi ng nagtitinda ng mani, ‘Dun sa tabi’. Alam kong hindi nagbababa dun ang mga bus, sa kabila pa ang babaan mga isang kilometro tapos nilalakad ko na lang pabalik. E tinanong nung driver, sinagot ko lang. Kaya nagtaka ako ng binaba ako sa saktong lugar. ‘Sige na bos, okay lang ‘yun, para sulit naman ‘yung pagtayo mo ng matagal’, natatawang sabi ng driver. Natawa na din ako. ‘Sige salamat din’. Hehe. Naisip ko, hindi ko pala kailangang gumawa ng isang higanteng kabutihan para maging perpekto ang galaw ng mundo. Mali ‘yung iniisip ko na walang nakakakita sa ginagawang kabutihan ng tao. Hindi lang ‘yung nasa taas ang nakakakita, pati ‘yung mga nasa paligid mo, north-east- west-south na direksiyon. Na-realize ko, madaling makahawa ang isang simpleng kabutihan. Baka nga sa ginawa mo o gagawin mo ay naka-inspire ka pa ng iba. Hayyzz, it’s a good day today.