Quantcast
Channel: kwentong barbero .com » Eksena sa Jeepney
Viewing all articles
Browse latest Browse all 4

Last Song Syndrome

$
0
0

Ang weird kapag tinamaan ka ng last song syndrome o LSS.  ‘Yun ‘yung parang wala ka sa sariling sumisipol sipol ng kantang huling napakinggan.  Earworm ang common term sa ingles ng LSS.  Tapos na ang kasalan pero kumakanta pa din ako ng ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan..’.  Hanggang sa maglabing-labing kami ni BebeKo ay sumisipol pa din ako.  Buti nga di ako sinabihan ng ‘Ahm… wala bang fast version nyan ?’.  Pumasok na ko sa opis, nagbreyk, pumila sa carinderia.  ‘Tan-tan-tanan… Tan-tan-tanan…’ pa rin  May kasama pang pakadyot-kadyot ‘yun.  Kala ko nga sisigaw ‘yung cashier sa kin ng ‘Guard!  Guard’.  Salubong na ‘yung kilay ng cashier, kala mo any moment biglang tatakbo dahil may isang manyak na sumisipol.  Patay malisya na lang ako na, ‘Sori Miss, kala ko caterpillar kasi ako’.   

Wala ka nang magagawa pag tinamaan ka ng LSS.  Parang hardwired na sa utak mo ‘yung kanta katulad ng unconscious na pagpikit at pag-utot. ‘Inpektious’ sabi nga.  Buti pa nga ‘yung pekpek pag naimpek may gamot, eto wala talaga.  Tiyak na maghapon ka nang ngangawa ng chorus ng kanta.  Suspetsa ko ‘brain glitch’ ito na hindi napaghandaan ni God nung hinulma niya ang tao galing sa dakot ng lupa [ano kaya ginamit ni God para bumuo ng clay ng tao, tubig kaya o ihi?  Wala lang, napaisip lang.  May mga tao kasing amoy ihi].   

Apekted ka din sa choices of music ng mga bus o dyipni drivers.  Nung bumiyahe nga ako galing ng probinsiya pabalik ng Maynila, tuloy tuloy na nagpapatugtog ng ‘new wave’ ‘yung driver ng bus ng dose oras.  Pagkababa ko tuloy ng bus, para akong nahypnotize na umuusal ng kanta ng AHA, ‘Take on me… Teyk me on.. I’ll be gone.. in a day or two-wuhuuu!’.  Putek, anong panama ng sandosenang boses ipis sa mundo sa pagngawa ko.  Wala. 

Ang LSS pa naman yung tipong pasipol-sipol in da wrong place, in da wrong taym.  Kasarapang nanonood kami ng laban ng Ginebra tapos biglang birit si pareng Eli ng ‘It’s raining men.  Aleluya,  it’s raining men’.  Patay.  Ansama tuloy ng tingin nung ‘Tatlong Itlog’ sa kanya.   Heto pa ang ibang LSS ng mga kaibigan:   

- Si pareng Nelson na kumakanta ng ‘To the left.. To the left’ ni Beyonce na binibirong tatadyakan sa betlogs nung receptionist. 

- Si pareng Abjil na nagbabawas sa CR habang sumisipol ng ‘Kapit kamay… Di kita iiwan, sa paglakbay’ ni Yeng Constantino 

Posible ring coping mechanism ng tao ang LSS.  Pampakalma pag stressed out.  Malamang pag stressed out si president GMA dahil sa sandamakmak ng problema ng bansa, napapasipol siya ng kanta ni Annie Batungbakal o kaya Sang Linggong Pag-ibig ni Imelda Papin. 

Ikaw, na-last song syndrome ka na ba?  Anong sinisipol-sipol mo dyan?



Viewing all articles
Browse latest Browse all 4

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan